Jaenn’s Point of View “Where is Tine?” tanong ko sa kanila. I saw them standing here for a couple of minutes now. Hindi ko lang mapuntahan agad kasi si Jay ay tumitingin pa sa mga laruan na kabayo kaya binilhan ko na. I saw Kelly shifted her eyes from mine to the public comfort room on this park. Pupuntahan ko na sana si Tine nang magsalita si Kelly. “Umalis po siya at sabi ay huwag na raw siyang hanapin kasi hindi na siya babalik,” sabi ni Kelly sa akin. Pumantig ang tenga ko sa sinabi niya. What? Tama ba ang narinig ko? I looked at her with my brows up. Hindi ko alam kung niloloko ba ako ng babaeng ito. I gave her a serious look. I am not dealing with her bullshits if ever she is joking at me right now. Kita ko ang pag-iwas ng tingin niya sa akin. Tumingin naman ako sa mga anak kong

