Kahit na tinatamad ako ay pinilit kong bumangon. Ilang araw na rin akong nandito kay Allen. Paminsan-minsan ay umaalis si Allen pero pagdating ng dilim ay nandito naman na siya. Kaya minsan ay nagiging okay na rin ako. Nagagawa ko naman na ang mga bagay na gusto ko dahil ako lang mag-isa rito. Pagdating ni Allen sa gabi ay palaging may dalang pagkain kaya hindi ako nagluluto ng hapunan. Katulad ngayon pagbaba ko ay wala na naman si Allen. Naiintindihan ko naman dahil alam kong busy talaga siyang tao. Lahat naman yata sila ay busy si Mr. Jaenn lang ang nagtatrabaho minsan sa bahay niya dahil ayaw niyang pumasok. Hawak ko ang phone ni Allen. Kahit ilang ulit ko itong ibalik sa kaniya ay pinagpipilitan niyang ako na ang gumamit kaya nasa akin na ito palagi. Minsan ay may natatanggap akong

