"And that's your brother and sister, Jenny and Johnny," sabi ko sa anak ko. Papalapit na ang tatlo sa amin. Si Jay naman ay nakatingin lang sa kanila. "I don't like a big sister, Mommy. I only like a little sister," sabi naman ng anak ko na ikinalaki ng mata ko. Gan'un din si Jenny na mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ng anak ko. "Jay," seryosong sabi ko. Umiling naman si Jenny sa akin. "I'm okay, po," sabi nito sa akin at ngumiti. Lumapit siya sa anak ko at hinawakan ang dalawang kamay nito. Ang anak ko naman ay nakatingin lang sa kaniya nang may pagtatataka. "We have, Joanna! She will be our little sister, baby bro," kausap nito sa anak ko. "Joanna? Who?" tanong naman ng anak ko. I want to ask that one too. Hindi ko lang masabi kasi palagay ko ay tama naman ang hinala ko. "Tita R

