Natigil ang lahat sa ginagawa nila dahil sa pagdating namin. Hindi ko alam kung bakit ako dinala ni Mr. Jaenn sa kung saan nandoon ang mga bata. May hinahanap ang mata ko at mukhang hindi ako na ako mahihirapan pa kasi nakita ko na ang isang babae na napakaganda. Ngumiti ito sa amin. Medyo tumagal ang titig niya sa akin kaya medyo nahiya ako. Ang ganda niya sobra. Walang nagtangkang magsalita sa amin. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa babae at tumingin sa kabuuan ng bahay nila. Siguro ay mga kapamilya niya ang mga nandito dahil halos ay magkamukha lang sila. "Umalis ang mga bata kasama si Carlo. Maupo na lang muna kayo," sabi ng babae. Medyo kumunot ang noo ko nang marinig ang boses niya. Ang hinhin nito at parang hindi makabasag pinggan. Nakangiti lang

