Nang magising ako kinabukasan ay maingay na ulit ang bahay. Nandito na sina Ate Tess. Agad akong pumunta sa kwarto ng nga bata pero wala pa ang mga ito. Kaya bumaba na lang ito. Nasa hagdan pa lang ako ay dinig na dinig ko na ang maingay na si Ate Tess. Akala ko ay kasama niya si Myca at Rena pero si Kuya Gardo lang pala. Natigil ako sa kinatatayuan ko at gustong bumalik kung saan ako nanggaling dahil sa nakita ko. Nakaupo lang naman siya sa kandungan ni Kuya Gardo. Nang makita niya ako ay hindi siya na siya nagulat. Si Kuya Gardo lang ang nakita kong nanlaki ang mukha pero walang magawa dahil ayaw umalis ni Ate Tess sa kandungan niya. Hindi ko alam kung pupunta ba ako sa direksyon nila lalo na ng makita ko si Mr. Jaenn na papalapit na sa akin. Kaya wala akong choice kung hindi ay luma

