Ang tanga Tine! Nauna akong nagising kay Jaenn at iyon agad ang pumasok sa utak ko. Ang tanga lang. Ilang araw pa lang kaming magkasama bumigay na agad ako. Gusto ko ng pukpukin ang sarili ko. Dahan-dahan akong bumangon para kunin ang mga damit ko. Nasa sahig pa rin ang mga iyon dahil pareho kaming pagod kagabi. Gusto ko na namang saktan ang sarili ko dahil sa kagagahan ko kagabi. Nang tingnan ko si Jaenn ay mahimbing pa ang tulog niya. Mabilis akong nagbihis sa harapan nito. Nang tingnan ko ang orasan ay alas singko pa naman. Masyado pang maaga. Dahan-dahan lang ang pagbukas ko ng pinto. Ayaw makagawa ng ingay. Nang nasa labas na ay saka pa lang ako nakahinga ng maluwag. Ang gaga talaga. "H-hi po!" gulat akong napatingin kay Jenny na mukhang kagigising lang din. Hindi naman niya sigu

