It is a busy day. Birthday ni Jay bukas. Kaya todo paghahanda na kami sa kung ano ang mangyayari bukas. May pinadala namang tao si Mama para mag-decor sa lugar. Dito lang gaganapin ang handaan. Ayaw na ni Mama na roon pa sa bahay kasi mas maganda raw dito. Matagal na rin daw noong huling punta nila rito. Mama and Papa wants to have a grand birthday celebration for Jay kasi first time na nandito nakasama nila si Jay sa birthday nito. Noon tanging sina Kuya Sherwin at Evan lang ang pumupunta sa States para sa kaarawan namin ni Jay. Ilang araw lang din kasi ang pagitan ng kaarawan namin ng anak ko. I still can't believe it. Lumalaki na ang anak ko. Hindi ko siya makita ngayon kasi kasama niya ang ama niya. Nangangabayo kasi kanina pa siya nagsasabi na horse raw kaya pinagbigyan na namin.

