Pagdating namin sa bahay na sinasabi ni Allen ay nakaupo lang ako sa sofa. Hindi pa rin ma-proseso ng utak ko ang nangyari kahapon at ngayong araw. Nagpaalam si Allen na magluluto raw muna siya para makakain na ako. Hindi pa naman ako nakaramdam ng gutom pero alam kong kailangan kong magpalakas alang-alang sa anak ko. May kirot pa rin akong nararamdaman kapag naiisip ko ang nangyari kanina. Namamalayan ko na lang ang sarili kong nakatingin sa isang bagay habang malalim na nag-iisip. "You can go upstairs and rest while I cook," sabi ni Allen sa akin. Tumango lang ako sa kaniya pero hindi ako umakyat sa itaas. Inikot ko na lang ang tingin ko sa kabuuan ng bahay. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil ang tahimik ng lugar na ito at maraming puno akong nakikita sa labas. Mukhang bago lang it

