“Daddy? Are we going to stay here the whole day?” tanong ni Jenny sa ama niyang hindi matanggal ang titig sa akin. Kailangan ko pa siyang pisilin sa kamay dahil hindi niya nilingon ang anak niya. Mukhang natauhan naman ito at tumingin sa anak niyang naghihintay ng sagot niya. “Why you don’t want it here?” tanong niya sa anak niya. Umalis ako sa tabi niya at lumipat sa tabi ni Johnny. Umisog naman ito para makaupo ako. Malaki naman ang nakalapag na tela kaya lang ay ang laking tao ni Mr. Jaenn, mukhang sakop niya lahat. “Hi!” sabi ko kay Johnny. Tipid na ngiti lang ang binigay nito sa akin Hindi ko alam bakit ako pumunta rito. Kita ko ang pagtitig ni Mr. Jaenn sa akin kahit na kausap niya si Jenny. Nakataas ang kilay niya nang salubungin ang tingin ko. Nagpanggap akong nadaanan ko lan

