WARNING!!! Ilang minuto rin kaming natahimik ni Myca bago siya tumayo at magpaalam para umalis dahil magtatrabaho na ulit siya. Pumayag naman ako dahil nakita ko rin ang pagdating ng asawa ni Claire. Agad akong pumasok sa loob para samahan si Claire na cellphone naman ang inaatupag. Maganda ang pagkakagawa sa bahay na ito. Masyadong ang maganda ang bawat sulok at ang ganda ng mga detalye. Hindi masakit sa mata ang tingkad ng kulay dahil brown and black ang kulay ng bahay. Medyo maganda rin ang mga halaman na nandito. Karamihan sa mga iyon ay cactus. “Hi, Babe!” bati ni Claire nang makita ang asawa. Mas lalo siyang umingay nang makita ang dala ng asawa niya. Hindi pa talaga nahiya ang bruha dahil hinalikan pa ang asawa niya sa harapan ko. “My favorite!” parang batang sabi ni Claire.

