"You eat muna, sissy," sabi sa akin ni Claire nang makitang nakatulala lang ako. Tipid akong ngumiti sa kaniya. Malaki ang bahay ni Claire rito. Hindi ko alam ang buong kwento nila ng lalaking binubully ni Evan noon pero sa pagkakaalam ko ay may kaya ang lalaki. "Nasaan ang asawa mo?" tanong ko sa kaniya. Kaya talaga tumataba ito dahil kain lang ng kain. Ganiyan din naman ako kay Jay noon kaya lang ay mabilis lang nawala ang taba ko pagkatapos kong manganak. "Inutusan kong mag-buy ng mango," sagot niya sa akin. Aliw na aliw siya sa pagpipisil ng mga mani. Tumango ako. Baka hindi ako makauwi ngayon. Malapit na rin kasing dumilim. Baka pagod pa rin si Hariot. Lasing pa naman siya kagabi. "May tatawagan lang ako," paalam ko kay Claire. Tumayo ako at lumayo sa kaniya. Nakalimutan ko palang

