Sabay kaming lumabas ni Jaenn sa kwarto. Damit niya ang pinasuot niya sa akin. Mabuti na lang at may nakita pa akong isang pants kaya iyon na lang ang sinuot kong pang-ibaba. "I let you wore my clothes but you are showing your skin," reklamo ni Jaenn nang mapansin ang ginawa ko sa damit niya. Masyado kasing malaki kaya kailangan kong ayusin para naman hindi ako magmukhang lusyang. "It's fashion," sabi ko na lang kay Jaenn. Masama na ang tingin sa amin ni Hariot nang bumaba kami. Nakaupo siya sa sofa na parang tamad na tamad na sa paghihintay. Ang paa niya ay nakapatong sa mesa. Akala mo naman talaga malinis ang sapatos niya e napakarumi. "Sana sinabi niyong magpaparami pa kayo nang hindi ako mamatay kakahintay dito," inis na sambit niya sa amin. Si Evan ay tulog na naman sa sofa. Sinus

