Nang matapos kaming mangabayo ay nakabusangot na Jay ang nadatnan namin sa terrace ng bahay. Nakatingin lang siya sa amin ni Jaenn. Hindi ko pinahalata na natatawa ako sa reaksyon ng anak ko. Ngumiti lang ako sa kaniya at lumapit na. Kaya lang ay iniwas niya ang mukha niya ng halikan ko na siya. "Ayan kasi. Bakit hindi niyo kasi sinama? Ayan tuloy nagtatampo na," pagpaparinig ni Hariot sa amin. Si Evan ay nakatingin lang sa labas. Mukhang kagigising niya lang. Si Jenny at Johnny naman ay katabi si Jay. Nakabusangot pa rin ang mukha nito. "Marshmallow na lang, Tine," sabi sa akin ni Hariot pero sinamaan siya ng tingin ni Jay. "You ate it!" sigaw naman ng anak ko. "Jay," tawag ko sa pangalan niya baka nakakalimutan niyang matanda ang kausap niya. "Sorry, Mommy," nakayukong sabi nito sa

