Dahil sa sinabi ni Allen ay naging kampante na ako. Si Annika ay nakikipaglaro kay Allen kaya nagpahinga na lang muna ako. Inaantok na ako pero ayaw kong iwan ang dalawa. Antukin na ako nitong mga nakaraang araw. Gusto ko na lang matulog at kumain. Pero gusto ko ring maglakad-lakad para naman may exercise ang katawan ko. Hindi pa rin kasi nakauwi ang mag-asawang Anne at Ace kaya kami pa ang nagbabantay sa anak nila. Busog na si Annika at may snack din naman siyang biscuits kapag gusto niyang kumain. Nakaupo ako sa couch habang nakatingin sa dalawa. Nahuhulog na ang talukap ng mga mata ko. Gustong-gusto na nitong pumikit pero pinipigilan ko lang. Nang mapansin iyon ni Allen ay tumigil siya sa paglalaro para harapin ako. "You can sleep, Tine. Kaya ko naman si Annika," mahinahong sabi nit

