Chapter 73: Miss Me?

1039 Words

"Anong nangyari? Bakit ngayon ka lang?" alalang tanong ko kay Allen. Kakapasok niya lang sa bahay. Kinarga ko si Annika dahil pinagbuksan ko si Allen ng pinto. Ayaw kong iwan si Annika baka kung ano ang gawin niya at baka kung ano ang mangyari wala pa naman akong maitutulong kung sakali. "Why? Did you miss me?" nakangiting tanong ni Allen. Hindi ako tumango at iniwan na lang siya. Nakasunod lang naman siya sa amin. "Asa ka." Medyo magulo sa sala dahil sa dami ng laruan ni Annika. Tinatamad din akong umakyat kaya rito na lang kami naglalaro at nagpapahinga. Aliw na aliw naman si Annika. Mabuti nga at hindi siya na-bored. Mukhang mas gusto yata ng batang ito na mag-isa lang dahil masaya na siya sa laruan niya. Hindi na naghahanap ng ibang tao. May mga bata kasing naghahanap ng mga tao

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD