Nagpahatid na lang si Mr. Jaenn ng pagkain sa room namin. Pagkatapos ay nag-usap lang kami bago natulog. Ngayon ay aalis kami para mag-grocery. Ito daw talaga dapat ang gagawin namin ngayong araw kaya lang ay nag-iba dahil sa nangyari. Tumingin muna ako sa hotel bago pumasok sa loob ng kotse niya. Parang ilang oras lang ang inilagi namin doon at aalis na agad kami para mag-grocery. Hindi ko alam kung ano ang naiisip ni Mr. Jaenn pero nakakagulat ang mga ginagawa niya minsan. "Bakit grocery?" tanong ko sa kaniya. May gumagawa naman ng ganito at hindi naman namin kailangang kami pa ang mag-grocery. Nilingon niya ako ng saglit bago binalik ang tingin sa daan. Sumandal na lang din ako sa bintana ng sasakyan. Medyo traffic ngayon. May mga tao akong nakikitang naglalakad sa ilalim ng sikat ng

