“Gising na mahal na reyna,” yugyog ni Ate Tess sa balikat ko. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari noong tanghalian at umabot pa iyon ng hapunan. Kaya buong magdamag ay gising lang ang diwa ko. Katutulog ko lang pero ginigising na naman ako ni Ate Tess. Tinakpan ko ang mukha ko ng unan ko at tumalikod kay Ate Tess. Nawala naman ang ingay kaya nakatulog ako ulit. Paggising ko ay tahimik ang buong bahay. Wala rin akong nakikitang mga tao. Maingat akong naglalakad pababa ng hagdan takot na baka makagawa ng ingay. Ang bango kaya mabilis akong bumaba. Amoy masarap na pagkain. Maingat pa rin ako sa paglalakad ko dahil ang tahimik talaga ng bahay parang walang tao, maliban sa akin. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa pero ginawa ko na. “Saan sila?” tanong ko kay Mr. Jaenn. Na

