"You can't make me do it, Mom!" rinig kong sigaw ni Mr. Jaenn. Pati si Jenny ay nagulat din sa sigaw na iyon. Sabay kaming napalingon sa pinto ng kwarto ni Jenny. Hindi iyon naka-lock pero hindi naman siguro sila papasok dito dahil wala naman silang alam na nandito kami. "Are they fighting po, Ate?" tanong ni Jenny sa akin. Kita ko sa mata niya ang lungkot at takot. Ngumiti na lang ako ng marahan at niyakap siya. "You can't disobey me son, you just can't. Alam mo namang madami akong bala sa mga ganito." Hindi ko na narinig pa ang sagot ni Mr. Jaenn at narinig ko na lang ang pagkalabog ng pinto pagkatapos. Siguro ay pumasok na si Mr. Jaenn sa kwarto niya. Hindi ko alam kung lalabas ba kami ngayon ni Jenny. Wala naman na kaming gagawin sa labas dahil tapos na kaming kumain. Madilim na sa

