Chapter 47: Pregnant?

1130 Words

"Saan ka natulog?" mahinhin na tanong sa akin ng babaeng kasama ng ina ni Mr. Jaenn sa akin. Natatakot tuloy akong tarayan siya dahil sa tanong niya. Kumunot lang ang noo ko sa kaniya dahil hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong niya o hindi. "Bakit?" "Naghintay kasi ako sa labas ng kwarto mo kagabi," nakangiting sabi nito sa akin. Nakabihis na siya kaya kumunot ang noo ko sa kaniya. Sa kwarto ko ba siya natulog? "Bakit?" tanong ko ulit. Parang wala akong matinong tanong sa kaniya. Nakatingin lang ako sa mukha niya at sa katawan niya. Baka kasi buntis ito kaya pinapunta rito. Pero mukhang hindi naman. "Wala lang," nakangiting sagot niya ulit sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang naasar ako sa ngiti niyang iyan. Wala naman siyang ginagawa sa akin pero naaasar ako sa kaniya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD