Kristine Point of View Palaisipan pa rin sa akin kung bakit tumawag si Myca. Kung nangungumusta lang siya ay bakit parang alam niya ang nangyayari ngayon o baka alam niya pero nagmamaang-maangan lang siya. "What are you thinking of?" tanong ni Jaenn sa akin. Matutulog na kami. Magkatabi kaming tatlo na natulog dahil mapilit si Jaenn at gustong tumabi sa amin. "Wala. Matulog ka na," sabi ko sa kaniya. "I can't sleep knowing you are thinking of something. Ang lalim ng paghinga mo," sabi nito sa akin. Umayos ako ng higa. Nakayakap siya sa akin kaya siguro ramdam niya ang malalim kung paghinga. "Wala lang ito," sabi ko sa kaniya para hindi na siya mag-alala pa. Ayaw niyang maniwala kaya pinaharap niya ako sa kaniya. Hinawi niya ang buhok na tumatakip sa mukha ko. "You can tell me. I am h

