Myca's Point of View Naghihintay ako sa mga kasamahan ko. Ayaw pa nila magising kasi anong oras pa rin naman. Masyado pang maaga kaya nauna na lang akong bumangon. Hindi ako sanay na humihiga lang sa umaga kapag gising na ako. Hindi na nasanay ang katawan kong walang ginagawa lalo na at alam kong kailangan kong buhayin ang pamilya ko. Isang simpleng pang-agahan na lang ang inihanda ko. Maagang pumapasok sa trabaho ang asawa ni Ma'am Claire kaya kailngan ko rin na maagang magising para makapaghanda man lang ng pagkain para sa kaniya. Kumakain kasi ng kanin si Sir sa agahan, hindi siya iyong tipong pa kape-kape lang. Nagulat ako nang makitang nasa b****a na ng kusina si Ma'am Claire. Nakatayo ito habang nakatingin sa mesa baka nagugutom na siya. Sa ilang araw ko rito ay hindi ko pa nakit

