Kristine's Point of View Pagkapasok ko sa itaas ay tulog pa rin ang anak ko. Mahimbing pa rin ang tulog niya. Inayos ko ang kumot na muntik ng mahulog sa paa niya. Nakahiga ako habang yakap ang anak ko. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising lang nang maramdamang nagising din ang anak ko. "How are you, Mommy?" tanong ng anak ko. Gusto kong matawa dahil ako pa ang tinanong niya gayong magkatabi naman kaming natulog. "I'm fine, baby," sabi ko sa anak ko. Sabay kaming bumaba. Si Hariot lang ang naabutan kong nakaupo sa sofa habang nanonood ng palabas. "Mommy, I am hungry," sabi ni Jay. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil umupo na siya katabi ni Hariot kaya pumunta na lang ako sa kusina para mag-isip kung ano ang kakainin niya. Wala akong maisip na ihanda kay Jay kaya biscuits

