Naunang makalabas si Mr. Jaenn sa akin. Nilahad niya ang kamay niya pero hindi ko iyon pinansin at bumaba na lang. "Mommy, the horses!" aliw na sabi ng anak ko habang nakatingin sa mga kabayo. "Do you want to eat some mango, Jay?" tanong ni Evan kay Jay pero umiling lang ang anak ko. Narinig kong tumikhim ang taong nasa gilid ko but I refused to look at her. Ayaw kong tingnan siya kaya sa anak ko na lang ako nakatingin. Malaki ang ngiti niyang nakatingin sa mga kabayo. Lumingon ito sa gawi namin. "Mister! I thought we are going to ride a horse?" tanong ng anak ko. Nilapitan ko siya dahil ang demanding ng pagkakasabi niya. Baka may ibang gagawin si Mr. Jaenn dito. "Baby, you should rest first, aren't you tired from the long drive?" mahinahong tanong ko sa anak ko. Hindi na niya alintana

