Pareho kaming nakikinig ni Annika kay Mr. Jaenn. Matapos na kumanta ni Mr. Jaenn ay narinig ko na ang boses ni Ate Tess. "Salamat po, Sir," dinig kong sabi niya kay Mr. Jaenn. "Ano kinikilig ka naman diyan?" dinig kong tanong ni Ate Tess gamit ang maliit niyang boses. Napatingin ako kay Annika nakatingin na rin ito sa akin. Parang naghihintay pa ng kasunod. Napangiti ako at hinalikan ang bata. Ang cute ng batang ito. Kanina ko pa talaga ito gustong pisilin ang pisngi kaya lang ay ayaw ko dahil baka masaktan ko siya. "Magtrabaho ka na lang muna riyan, Ate Tess," sabi ko sa kaniya. Baka mamaya ay mapagalitan na siya. Pinatay ko na lang ang tawag at nilagay ang phone sa ilalim ng unan. "Hi baby Annika, sana paglabas ng baby ko maging magkaibigan kayo," sabi ko sa bata. Napatingin ito sa a

