"Ano ba ginagawa mo?" tanong ni Ate Tess sa kabilang linya. Napatingin ako sa ginagawa ko. Tumitingin lang ako sa mga kalokohang ginagawa ko ngayon. Iniisip kung tama ba o hindi. "Naglilinis," tipid na sabi ko. Wala akong magawa na naman dahil ako lang mag-isa. Kaya naisipan kong maglinis kaya lang ay parang nag-iba dahil mas lalo lang dumumi. Marunong naman akong maglinis kaya lang ay paiba-iba ang utak ko ngayon. Kaya ang daming hindi natatapos na gawain. Napatingin ako sa mga nakakalat na mga damit ko. Maglalaba rin ako ngayon. Kaya ko namang maglaba kaya ako na lang ang gagawa. Tagaktak na agad ang pawis ko. Lumabas ako kanina para makalanghap ng sariwang hangin pero ngayon ay naliligo na ako ng pawis. "Saan ka ba talaga nakatira?" tanong ni Ate Tess. Naglilinis siya sa kwarto ni J

