"Kain ka pa," sabi sa akin ni Anne. Hindi ko alam kung paano ko siya tatawagin. Ma'am Anne ba o Anne na lang. Mabait naman siya at kanina niya pa ako inaasikaso. Magkausap si Allen at ang asawa ni Anne kaya wala akong kausap dito maliban sa anak niyang lumalapit sa akin. Ang cute ng anak niya, siguro ay nasa isang taon na ito. Nakakalakad na rin kahit paunti-unti lang ang hakbang. "Kukuha na lang ako," sabi ko sabay ngiti sa kaniya. Napatingin ako sa anak niyang hinahawakan na ang damit ko. Gusto niyang magpakarga kaya lang ay nahihiya ako. Nandito kasi si Anne. "You like her, Annika?" nakangiting tanong ni Anne sa anak niya. Tumango naman ang anak niya at mas lalo pang lumapit sa akin. "Pwede ba?" tanong ko kay Anne. "Of course," sagot nito. Agad kong kinarga ang anak niya. Medyo may

