“Busy-busyhan a,” panunukso sa akin ni Ate Tess.
‘Di ko na lang pinansin. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Nasa likuran namin si Sir naghihintay mabigyan ng pagkain. ‘Di dapat ako ang naghuhugas ng pinaglutuan kasi sa bata lang naman ang trabaho ko pero ‘di ko kayang harapin si Sir. Nasa kwarto niya kasi si Jenny natutulog kaya ayaw kong pumasok.
Parang gusto ko na lang kainin ako ng lupa. Alam kong ‘di ‘yun nakalimutan ni Sir ang nangyari kagabi kasi ngiti siya ng ngiti sa akin. ‘Yung ngiting nakakaasar.
Mabuti na lang talaga at walang nakakita sa amin kagabi pero alam kong may pagdududa na si Ate Tess kasi halos ginawa ko na lahat ng trabaho na ‘di ko naman dapat gagawin dahil may kasambahay para lang maiwasan si Sir.
“Good morning po,” bati ni Jenny ng magising siya.
Nag-abang lang naman ako sa labas ng kwarto ni Sir kasi ayaw kong pumasok. Umalis si Sir at si Kuya Gardo kaya nakakahinga ako ng maluwag kaya lang ayaw kong pumasok sa loob kung saan muntik ng may mangyari. Putanginang alak na ‘yun.
“Morning din, kain ka na,” pag-aaya ko sa kan’ya.
Natapos na kaming lahat kumain. Si Jenny lang ang hindi pa kasi matagal talaga siyang magising at ayaw na ayaw ni Sir na ginigising si Jenny. Sabi ay ‘wag daw pagdamutan ng tulog ang bata.
Pagkatapos kumain ni Jenny ay sabay kaming lumabas at pumunta agad sa tabing dagat. Maraming puno ng buko kaya pwede ‘yung silongan kaya lang ay bawal daw si Jenny sa gan’ung lugar kaya pinili naming puntahan ang cottage na walang masyadong puno ng buko. Maaliwalas ang mukha ni Jenny kaya mapapamahal ka talaga sa kan’ya at ang ganda ng mga ngiti niya.
“Where is Daddy? I badly want to swim,” nakanguso niyang sabi habang nakatingin sa dagat. Kailangan na rin kasi nilang sulitin ang araw na ito kasi bukas ay uuwi na kami. May trabaho si Sir kaya kailangan umuwi na kami bukas.
“May nilakad lang sila Jen,” sabi ko sa kan’ya. Tumango siya sa akin at kinuha na lang ang Ipad niya na nasa bag ko. May bitbit akong bag palagi kasi doon ko nilalagay ang mga gamit ni Jenny.
Minsan ay may kung ano-ano siyang pinapabili kaya kailangan talaga may bag para madaling dalhin.
“Jen,” tawag ko sa kan’ya na busy kakapindot sa Ipad niya. Binalingan niya ako ng tingin at naghintay sa sasabihin ko. “Okay lang ba magtanong?” tanong ko sa kanya.
“Opo,” magalang na sagot niya na nagpangiti sa akin. Ang bait ng batang ‘to. Kung magkakaanak ako sana ganito rin kabait.
“Nasaan pala Mommy niyo?” tanong ko sa kan’ya. Ayaw ko namang maging insensitive pero kasi kating-kati na akong malaman kung bakit wala ang Mommy nila dito.
“May family na po siyang iba,” nakangiting sabi niya pero kita ko pa rin ang lungkot na nakatago sa mga mata niya.
“Sorry,” tanging sabi ko sa kan’ya. Dapat pala hindi na lang ako nagtanong.
Pagkatapos ng ilang minuto bumalik din ang sigla niya. “Other side po,” sabi niya sa akin. Tumango ako at tumingin sa kanang gawi ko na sana ay hindi ko na lang ginawa.
Nakatitig na mga mata ni Sir ang nakatingin sa direksyon ko. Ako ang unang bumawi at tumingin kay Jenny. “Nandiyan na Daddy mo,” nakangiting sabi ko sa kan’ya.
Nilagay niya sa bag ko ang Ipad niya bago tumakbo papunta sa Daddy niya na nakatingin pa rin sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at niligpit ang mga kalat na ginawa ni Jenny. Ginawa niya akong model. Nilagyan niya ako ng lipstick kaya naghanap ako ng wipes sa bag ko at sa kasamaang palad ay ubos na. Pinampunas ni Jenny sa kamay niya kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumingin sa kanilang gawi ng may lipstick pa rin sa labi.
“Is Ate Tine pretty, Daddy?” rinig kong tanong ni Jenny sa Daddy niya.
Buhat ni Sir Jaenn si Jenny at may bitbit na plastik sa kabilang kamay nito gan’un din kay Kuya Gardo.
“Yes, Ate Tine is pretty,” nakakatitig na sabi ni Sir kaya napatingin ako kay Jenny na napangiti sa sinabi ng Daddy niya.
“Like Jenny!” sigaw niya.
“Of course, Jenny and Ate Tine are pretty,” sang-ayon ni Sir.
Feeling ko namula ang mukha ko sa sinabi niya. ‘Di niya ba naramdaman na hiyang-hiyang ako sa nangyari sa amin kagabi? ‘Di sinadyang napatingin ako sa gitnang bahagi ni Sir Jaenn na kahit tulog ay mukhang gising pa rin sa kadakilaan nito.
Kung mas importante ang performance sabi ni Ate Tess. Paano naman ang nabibiyayaan ng kadakilaan at ng galing sa performance. Mas lalong namula ang mukha ko ng titig na titig din sa akin si Sir. Wala na si Jenny sa bisig niya pero nakatayo pa rin siya kung nasaan siya kanina.
‘Di ko magawang ilihis ang paningin ko kasi ang tindi ng titig niya sa akin na parang kailangan ko ring tapatan iyon. Sa huli ako ang naunang bumawi kasi baka makita na naman kami ni Ate Tess at ano na naman ang sabihin n’un.
Pumasok kami sa loob habang hawak ko ang kamay ni Jenny. Nasa tabi ko si Sir kasi siya na daw ang magdadala ng bag ko. Pinabayaan ko na lang kasi ayaw kong makipagtalo sa kan’ya.
“Ate can you sleep beside me tonight po?” tanong ni Jenny nang nasa bungad na kami ng pinto.
“Ah… oo naman Jen,” mahinahong sabi ko at tiningnan ang katabi ko na parang natigilan din sa gustong mangyari ni Jenny.
Palagi naman kaming magkatabi ni Jenny kaya nasasanay na ako. Nakakailang nga lang na humingi siya ng pabor na nandito Daddy niya baka kung ano isipin nito at sabihing kinukuha ko ang loob ng bata para maging ina nila.
O baka ako lang ang nag-iisip n’un?
“Yehey! I’m so excited,” masayang sabi ni Jenny at tumakbo na papasok.
Naiwan kami ni Sir sa labas. Wala naman akong narinig sa kaniya kung hindi ang tawa lang sa anak na masayang pumasok. Nilingon ko siya at tinaasan niya lang ako ng kilay kaya kinuha ko agad sa kamay niya ang bag ko at pumasok na.
Nadatnan namin sa loob si Ate Tess at Kuya Gardo na magkayakap kaya nanlaki ang mga mata namin. Mabuti na lang at nasa telebisyon ang atensiyon ng mga bata. ‘Di nakita ang ginagawa ng dalawang gurang sa likuran nila.
Kumakamot na umalis si Kuya Gardo sa ulo niya at nahihiyang naglakad. Si Ate Tess naman ay nakangiti lang sa amin na parang normal lang iyong ginagawa nila. Binigyan niya pa ako ng mapang-asar na ngiti.
“Johnny let’s do some exercise,” pag-aaya ni Jenny sa kapatid na parang may sariling mundong nakatingin sa telebisyon. Nanonood ng cartoons kaya pinipilit ni Jenny na mag-exercise sila.
Kita ko ang paglingon ni Jenny sa gawi ko kaya umiling agad ako sa naiisip niya. Sabihin na nating hindi ako biniyayaan ng talino at wala ring talento na sumanib sa katawan ko. Tanging mayroon lang ako ay ang ganda ng katawan. ‘Di ako masyadong payat at ‘di rin gaanong mataba, sakto lang pero may kurba.
“I’m going to tell Dad that you won---”
“Fine,” napilitang sabi ni Johnny kahit na sa akin naman nakatingin si Jenny. Siguro takot talaga si Johnny sa Dad niya.
Sa tagal kong naninilbihan sa kanila ay masasabi kong si Johnny ang batang masunurin kung nandiyan ang Daddy nito. Si Jenny naman masunurin sa lahat at spoiled. Minsan kasi may sariling mundo si Johnny at si Jenny naman ay panay pilit sa kung anong gusto niyang gawin pero lahat ng gustong gawin ni Jenny ay nakabubuti naman. Katulad na lang ng exercise, magdilig ng mga halaman at iba pa.
Ako ang pumipili ng kanta at sasayawin nila samantalang nasa gitna si Jenny, Johnny at Ate Tess na sumasayaw. May talent naman sila kaya ang ganda tingnan. Si Ate Tess ‘yung tao na go sa lahat. ‘Di naman katandaan si Ate Tess siguro matanda lang sa akin ng limang taon.
Kinukuhanan ko rin sila ng litrato at video kasi request ni Jenny iyon. Araw-araw kailangang may kuha kang litrato ‘yun ang gusto ni Jenny.
“Daddy! Join us,” si Jenny na nakatingin sa likuran ko. ‘Di na ako nag-abalang tingnan pa kasi alam ko naman na si Sir iyon. Naamoy ko rin ang pabango niya, siguro bagong paligo siya kasi ‘yun ang madalas na amoy niya pagkatapos niyang maligo e.
“You know I can’t, Jenny,” mahinahon nitong sabi sa anak. Siguro nahirapang hindi-an ang anak niya kasi kahit anong gusto ni Jenny binibigay niya.
“Okay, Daddy, prepare lunch for us please po,” sabi ni Jenny habang nagniningning ang mga mata.
Tumingin sa akin si Sir kaya napaayos ako ng tayo. “Okay, baby,” pagkatapos niyang sabihin ‘yun ay umalis na siya para magpuntang kusina.
“Daddy, let’s go na po,” rinig kong sabi ni Jenny habang hinihila ang laylayan ng damit ng Daddy niya. Tapos na kaming mag-dinner at busog kaming lahat kasi sa tabing-dagat kami kumain. Nag-grill sila ng isda.
“You go, baby, I’ll follow,” sabi nito na hindi tumitingin busy ito kakapindot sa phone niya. Lumapit ako sa kanila para kunin si Jenny.
Nang makita ako ni Jenny ay lumapit naman din siya sa akin kaya ‘di na ako masyadong nakalapit kay Sir. ‘Di naman sa gusto ko pero parang gusto kong lumapit sa kan’ya.
“Dito, Jenny,” tukoy ko sa kwarto ni Jenny nang lagpasan niya lang iyon.
“Daddy approved, Ate Tine, we are going to sleep in his room,” nakangiting sabi niya na ikinagulat ko. Muntik ko pang masabihan ng ‘gago’ si Jenny sa gulat pero sana hindi siya matutulog sa kwarto niya. Ang sarap sabihing 'Sir sa ibang kwarto ka na matulog.'
Yeah. Ang hirap talagang gustuhin ang gusto mong mangyari. Sa kamalas-malasan, nasa gitna na namin si Jenny na mahimbing na natutulog samantalang dilat na dilat pa ang mga mata ko.