Sana kainin na lang ako ng lupa ngayon.
“Are you okay?” tanong ni Sir ng marinig ang pagbagsak ko.
Gago naman kasi. Bakit pa kasi ako ilag ng ilag sa katawan niya? Yakap niya si Jenny kaya medyo maliit na lang ang pwesto ko at medyo dumikit ang kamay niya sa dibdib ko na nagbigay ng elektrisidad sa katawan ko.
Ayaw ko ng maulit ‘yung nangyari kagabi. Tama na ‘yung may impluwensiya ako ng alak kagabi pero ngayon ‘wag sana baka ‘di ko na naman kaya ang sarili ko.
“Ah… oo,” nahihiyang sabi ko. ‘Di ko magawang tumingin sa kan’ya dahil sa nangyari. Mabuti na lang at hindi nagising si Jenny sa ingay ng pagbagsak ko.
Nakatulog akong parang sisiw sa takot na magkadikit ang mga balat namin.
Naramdaman kong may gumagapang sa hita ko kaya mabilis ko iyong tinampal. Nawala naman kaya lang bumalik ulit mas matindi pa ngayon kasi nasa gitnang bahagi ko na. Napa-ungol ako ng maramdaman ang daliri sa bungad ng akin.
Napadilat ako ng may tumakip sa bibig ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko e. Pinikit ko ang mga mata ko at pinigilan ang umungol. Napahawak ako sa braso ni Sir ng hindi ko na kaya pero ilang sandali lang ay tumigil ito at hinila ako.
Wala na ako sa katinuan at sumunod na lang sa kan’ya. Pumasok kami sa banyo at hinalikan niya agad ako bago sinarado ang pinto. Nakakalasing ang halik niya kaya parang lumulutang ako. Kung saan-saan na umaabot ang mga kamay niya sa katawan ko at liyad ng liyad lang ang tanging ibinigay ng katawan ko.
‘Di ko alam kung bakit nagiging ganito ako sa mga haplos niya samantalang dati ay halos gusto ko ng pumatay sa mga taong humahaplos sa akin pero sa kan’ya ay nawawala agad ako sa katinuan.
“Baka magising si Jenny,” mahinang sabi ko nang alisin niya ang pang-itaas ko.
Naramdaman kong natigilan siya at tiningnan ako. “She won’t,” walang kasiguraduhang sabi niya.
Nagpatuloy siya sa ginagawa niya habang ako naman ay ungol lang ng ungol. ‘Di ko mapigilang mapaisip kung bakit nagagawa ko ito habang may bata sa labas. Ganito na ba ako ka-tigang o ka-desperada para magawa ito?
Tinulak ko siya ng mahina nang ma-realize kung ano ang ginagawa namin. Kung saan nawalan na kami ng saplot sa isa’t isa saka ko pa lang na-realize ang kagaguhan namin. Hiyang-hiya akong tumingin sa kan’ya na ‘di makapaniwala sa ginawa ko.
“Mali po ito, Sir,” tanging nasambit ko habang nakayuko. Ayaw kong titigan siya pabalik dahil ‘di ko kayang tapatan ang intensidad ng kan’yang mga tingin.
Hinawakan niya ako sa siko pero ‘di pa rin ako tumitingin sa kan’ya. “I’m sorry,” mahinang sabi niya.
Umalis siya sa harapan ko pero nandito pa rin siya sa loob ng banyo. Nagmadali akong magbihis kasi gusto ko nang makalabas. Nakakalat ang mga damit namin sa baba. Kita ko rin ang mga damit niya. Winala ko na lang sa isip ko iyon at nagpatuloy sa pagbibihis. Pagkatapos kung magbihis nasa harap pa rin siya ng salamin habang walang saplot sa katawan.
Kinuha ko ang mga damit niya at pumunta sa kung nasaan siya. “Ah… m-magbihis po muna kayo,” nauutal na sabi ko ng tumingin siya sa akin at tiningnan ang kung anong nasa kamay ko.
Gago kasi. Bakit hiniwalay ko pa kasi ang boxer niya. Inabot ko sa kan’ya iyon at nang tanggapin ay walang sabing lumabas ako ng banyo. Mabuti na lang at mahimbing pa ang tulog ni Jenny.
Inayos ko ang kama ng makitang nagusot ito ng kaunti. ‘Di ko alam kung sa ginawa namin ni Sir iyon o dahil malikot lang talaga ako matulog. Nang humiga ako sa tabi ni Jenny ay naramdaman kong pinalibot niya agad ang kamay niya sa baywang ko.
Nakatulog akong nakatitig lang kay Jenny pero hindi pa rin lumalabas si Sir Jaenn.
“Ilang taon na po kayong nagtatrabaho sa kanila Ate Tess?” tanong ko kay Ate Tess na nag-aayos ng mga gamit ni Johnny. Tapos na akong mag-ayos ng mga gamit ni Jenny kanina kasi maagang nagising si Jenny at ayaw humiwalay sa Daddy niya kaya nagkaroon ako ng oras para ayusin iyon.
Uuwi na kami ngayon kasi may trabaho pa si Sir Jaenn. Si Johnny naman ay sumama rin sa Daddy at kapatid niya kaya wala kaming binabantayan ngayon. Mag-ayos na lang daw kami sa gamit ng mga bata kasi mamaya lang uuwi na kami.
“’Di pa naman gaanong katagalan halos dalawang taon pa lang naman akong nag-aalaga kay Johnny,” sabi niya. Tinitingnan ko lang siya habang nagtutupi ng mga damit ni Johnny. Tutulungan ko sana siya kanina kaya lang sabi ni Ate Tess ay siya na lang daw kasi trabaho naman niya iyon.
“Nakita niyo na po ang Mommy nila?” curios na tanong ko. Gusto ko lang malaman kung bakit iniwan niya ang mga bata at si Sir para sa iba. Nakakaawa lang kasi ang mga bata. Alam kong kahit ganito ay gusto rin nilang makaranas ng pagmamahal ng isang ina.
Napatigil siya sa pagtutupi at tiningnan akong mabuti. “Oo pero may pamilya na ‘yun kaya pwedeng-pwede kayo ni Sir,” mapang-asar na sabi niya. Inismiran ko siya sa sagot niya. Wala talagang pag-asa ‘tong si Ate Tess palagi na lang nambubugaw. Okay sana kung magkatulad lang kami ng mundo.
Natawa siya at pinagpatuloy ang pagtutupi. Tumayo ako at nagpaalam sa kan’ya. Pupuntahan ko muna si Jenny kahit na ayaw kong makita si Sir ay kailangan ko pa ring isipin na may trabaho ako.
Bukas na rin pala ako makakatanggap ng sahod. Balak ko sanang ibili iyon ng mga gamit ko kaya lang ay gusto kong mag-ipon.
“Ate Tine! Here,” sigaw ni Jenny nang makitang papasok ako sa isang sasakyan. Wala akong balak sumakay sa kotse ni Sir pero wala rin akong choice kasi nasa loob na si Jenny. Hindi sumama si Johnny sa Daddy niya kasi didiretso sa opisina si Sir at kami naman ni Jenny ay suki na doon kaya okay lang kay Jenny.
“You should sit beside Daddy,” umiling ako sa suhestyon niya.
“Wala kang kasama dito,” hindi naman siya matakutin kaya lang naiinis ako sa ngiti ni Sir Jaenn. Kanina niya pa ako tinitingnan mula nang tawagin ako ni Jenny. Sinusundan niya ang mga galaw ko kaya medyo naiinis na rin ako. Gusto ko ng tusukin mata niya kaya lang ‘di ko magawa kasi amo ko siya at empleyado lang ako.
“She can manage, she’s a big girl already,” ngising sabi nito habang tinitingnan ako sa salamin ng sasakyan niya. Pumasok na lang ako sa tabi niya para hindi na kami matagalan pa.
Nakaalis na sina Ate Tess at Kuya Gardo kaya nagmadali na akong pumasok. Pagpasok ramdam ko agad ang titig sa akin ni Sir. Parang wala lang sa kan’ya na nasa likuran ang anak niya at maaaring magkaroon ng ideya sa mga ginagawa niya.
Ingay ni Jenny at ni Sir lang ang namayani sa buong biyahe. Si Jenny ang nagpapatugtog. Minsan napapangiti na lang ako sa ginawa nila kaya lang ‘pag nakita kong nakatingin sa akin si Sir Jaenn ay para akong mannequin. Napapatigil ako at kinakabahan.
‘Di ako bago sa nararamdaman ko dahil noon ay nagkagusto na rin ako pero ngayon pilit ko itong nilalabanan.
Hindi kami pwede. Bawal kahit wala namang sabit o baka merong sabit ‘di ko lang alam kasi ‘di naman namin napag-usapan kung may nobya ba siya.
Tumigil kami sa isang restaurant kasi nagugutom na si Jenny. Text ng text sa akin si Ate Tess. Puro asar lang naman kaya ‘di ko na pinapatulan. Mabuti nga ‘di nasira phone ko sa dami ng text niya. Parang isang hulog na lang kasi wala na rin ito. Paano ba naman ito palagi pinagdidiskitahan ni Aling Asyang noon kapag natatalo siya sa tong-its.
Tapos na akong kumain nang biglang kinalabit ako ni Jenny para kumuha raw ng litrato. Kinuha ko ang Ipad niya sa bag na dala ko at itinutok iyon sa kan’ya.
Ngiti lang siya ng ngiti. Si Sir Jaenn naman ay naglabas din ng kan’yang cellphone para kunan ng litrato si Jenny.
Umayos ako ng upo ng itinutok niya sa akin ang camera. ‘Di ko alam kung ngingiti ba ako o hindi kaya napaiwas na lang ako ng tingin.
“Daddy take a picture of me and Ate Tine please po,” napabuntong hininga ako ng marinig iyon kay Jenny. Pilit ko ngang iniiwasan ang tao pero may mga tao talaga sa paligid na panay gawa ng paraan para magkalapit lang kami. ‘Di ko naman masisisi si Jenny kasi wala naman siyang alam.
Lumapit ako kay Jenny para matapos na. Pagkatapos kong marinig ang tunog ay bumalik agad ako sa pwesto ko. Nagpatuloy sila sa pagkain kaya tingin ng tingin na lang ako sa paligid.
Kita mo talagang mayayaman lang ang pumupunta rito base sa mga suot at tindig ng mga kumakain.
‘Di kami nagtagal doon. Pagkatapos ay umalis agad kami. Summer na kaya mainit. Mabuti na lang at malakas ang aircon sa loob ng sasakyan.
Nang makarating kami sa building kung saan ang companya ni Sir ay kinalas ko na agad ang seatbelt ko. Mabilis namang pinigilan ni Sir ang kamay ko. “Ah… Picture muna,” nakangiting sabi niya.
Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Ayaw ko namang mag-aasume ng kung ano. Kaya nilahad ko ang kamay ko para kunin ang cellphone niya. Kung gusto niyang magpakuha ng litrato bakit hindi kanina? Maganda kaya ang paligid sa restaurant na iyon kung dito sa sasakyan niya e ang sikip masyado.
Umiling ito at tinawag ang atensiyon ni Jenny. “Picture?” tanong nito sa bata na naghihintay ng sasabihin niya.
Ngumiti naman si Jenny kaya napatingin ako kay Sir nakahanda na pala siya. Iiwas sana ako ng nilingon niya ako kaya tinitingnan ko rin siya. Rinig ko ang sinabi ni Jenny na nagpatibok ng puso ko at kasabay noon ang tunog ng cellphone niya.
“You are too smitten, Dad.”