Chapter 4: Matching Shirt

2076 Words
Kumakain kami ng hapunan nang maisipan ni Ate Tess na manonood daw kami ng movie. Kaya pagkatapos naming kumain ay pinatulog na namin ang mga bata. Nagpaalam na rin si Ate Tess kay Sir na gagamitin namin ang theater room at pumayag naman siya. “Mas gusto ko ‘yung 365 days,” sabi ni Ate Tess. Pumipili kami ng magagandang palabas o sila lang kasi wala naman akong alam sa mga palabas kasi noon palagi nakikinood lang ako sa kapitbahay. Wala kaming telebisyon at ayaw ko rin bumili noon kahit rumaraket ako sa palengke kasi ako na naman magbabayad sa kuryente. Nag-iipon kasi ako noon pero nawala rin kasi pinangbayad ko sa hospital nang magkasakit si Aling Asyang. Kasama namin si Myca at Rena, mga kasambahay sila. Kaming apat lang kasi may gagawin pa raw si Manang Leng. “Sige ‘yun na lang,” sang-ayon ni Myca. Tahimik lang din si Rena at tumango bilang pag-sang-ayon. Hindi ako nakapanood ng maayos sa buong palabas kasi nag-iiba agad ang isip kapag may eksenang nakakapang-init. Iniisip ko agad na kami iyon ni Sir kaya pilit kong inaalis sa isipan ko iyon. “Ilang taon ka na pala Tine?” tanong sa akin ni Ate Tess nang matapos ang palabas.Mga cast na lang ang mga lumalabas sa screen kaya nag-uusap na lang kami. “22 na ako,” sagot ko sa kan’ya. Tumango lang ito sa sinabi ko. Sinabi na niya kanina na 26 na siya. Apat na taon lang pala ang tanda niya sa akin akala ko limang taon. “Bagay talaga kayo ni Sir, ‘yan na ang uso ngayon e, anim hanggang sampung age gap, e si Sir 31 pa lang naman kaya pwede pang makabuo ng maraming anak,” tuloy-tuloy na sabi niya. Mabuti na lang at mahina lang ang pagkasabi niya noon at hindi narinig nina Rena at Myca. “Ano IG mo Tine? Follow kita, follow back mo na rin ako,” si Myca na nakahawak sa phone niya. Madaldal si Myca samantalang minsan mo lang maririnig na nagsasalita si Rena. “Wala akong gan’un,” sagot ko. May f*******: ako pero madalang ko lang iyong buksan. Siguro isa o dalawang beses lang sa isang taon. “f*******: na lang,” binigay niya sa akin ang phone niya nang sabihin ko iyon. Tinype ko lang ‘yung f*******: ko. Wala naman silang makikita doon. Wala rin akong profile picture o kung ano man kasi wala akong camera para mag-picture kaya gan’un. “Bakit naman walang laman ‘to? Dapat nag-selfie ka, maganda ka naman,” sabi ni Myca. “Wala akong panahon noon e.” Kung sana lang ay medyo nakaahon kami sa kahirapan siguro nagkaroon ako ng oras para alalahanin ang sarili ko. Kinuha niya sa kamay ko ang cellphone niya. “Ngiti ka ha, gawin natin ‘tong profile picture mo,” nakangiting sabi niya kaya tumango ako sa kan’ya. Pinatay ni Ate Tess ang pinapanood namin bago siya nakangiti rin na tumabi sa akin. “In love lalo si bossing niyan,” pang-aasar niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin nang sabihin niya ‘yun kasi narinig yata ng dalawa kasi napatingin sila sa gawi namin. “Mamahalin, may jowa na pala,” turan ni Myca pero imbes na magsalita ako ay pinatigil niya ako. “oh ayan, tingin na, dapat nakalugay lang buhok mo para maganda tingnan, tanggalin mo ‘yang ipit mo,” sinunod ko ang gusto niya at hinayaang bumagsak ang mahaba kong buhok sa balikat ko. “Oh pak! Pwede ng maging model ng sardinas,” sabi ni Ate Tess na ikinatawa namin. Ngumiti ako sa camera ng tinapat na iyon ni Myca sa akin. Ilang beses niyang pinindot iyon, ang dami rin niyang pinapagawa sa akin. “Sana lahat pinagpala,” pang-aasar na naman ni Ate Tess. Kanina niya pa ako inaasar kaya medyo nahihiya ako kahit kaming apat lang naman ang nandito. Malapit ng mag-alas diyes kaya medyo inaantok na rin ako. “Hanep, seductive ah,” sinamaan ko na ng tingin si Ate Tess na ikinatawa lang ng huli. Hindi naman ako pikon pero nakakaasar lang ng tawa niya. Nang matapos iyon ay pinagamit muna ni Myca ang tablet niya sa akin para raw makapag-online ako kahit papano. May internet na rin daw ito kasi naka-connect sa wifi nila Sir. Inupdate ko rin na ang profile ko nang matapos ipasa sa akin ni Myca ang mga kuha niya sa akin. “Ito lang e profile mo ha tapos caption mo dapat ‘seductive empress’,” paalala sa akin ni Myca bago siya umalis papuntang kwarto niya. Kaya sinunod ko iyon, nasa isang daan lang naman mahigit ang mga friends ko dito, mga kakilala lang, malapit sa akin at mga kaklase ko noong high school. Kaya ayaw ko ring mag-f*******: noon kasi panay post mga kaklase ko noon ng mga kung ano-ano, minsan nga ginagawa nilang profile ‘yung mga ibang tao. Pagkatapos kung mag-change profile ay natulog agad ako. Sabi naman ni Myca bukas ko na isauli kasi may gagamitin naman na siya. Kaya bukas ko na lang isasauli. . “Hindi pa po ba bumababa si Sir?” tanong ko kay Manang Leng. Busy si Myca sa paglalabada at paglilinis ng bahay naman si Rena. Si Ate Tess din ay pinapaliguan pa si Johnny. Mabuti na lang at hindi pa nagigising si Jenny kaya bumaba muna ako para tingnan sina Manang Leng sa baba. “Gan’un talaga ‘yun iha, ‘pag pumupunta iyon sa itaas ay matatagalang bumaba,” mahinahong sabi niya. Medyo may katandaan na si Manang Leng kaya kung magsalita ay mahina na. Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Manang. “Bakit po?” tanong ng muli niya akong harapin. Naghuhugas ng pinggan si Manang kaya hindi ito nakatingin sa akin. Tumingi ito sa akin at ngumiti. “Paborito niya ang lugar na iyon,” simpleng sabi nito kaya tumango na lang ako kahit may gusto pa akong itanong. Ayaw ko namang abalahin pa lalo si Manang kasi may trabaho pa siya. Umakyat ulit ako at pumasok sa kwarto ni Jenny, saktong pagbukas ko ay nagising din siya o nagising siya sa ingay ng pinto. “Good morning po,” masiglang bati nito habang kinukusot pa ang mga mata niya. “Morning,” bati ko pabalik. Nasanay na ako na may nag-go-good morning sa akin ngayon. Noon kasi pagkagising ko pa lang ay mga gawain na agad ang bumubungad sa akin. Tumayo ito at dumiretsong banyo. Malaki na raw siya kaya siya na ang magliligo ng sarili niya. Habang naliligo si Jenny ay inayos ko ang kama niya. Nakaupo lang ako habang naghihintay kay Jenny nang biglang may kumatok kaya napatingin agad ako doon. “Ahh… naliligo pa po,” sabi ko. Nakasilip lang ito sa pintuan kaya tanging tango lang niya ang nakita ko. Kita kong nilakihan niya ang giwang sa pinto at pumasok kaya napaayos ako ng upo. “Did she eat already?” tanong niya ng makaupo siya sa sofa. “Hindi pa po, bagong gising pa lang,” sagot ko. Napatingin ako sa mukha niya. Kita mo ang pagod dito at ang buhok niyang hindi man lang nasuklayan. Umiitim din ang ibaba ng mata niya. Parang palagay ko hindi pa ito kumakain kasi hindi naman siya bumaba. “You?” tanong niya habang nakasandal sa sofa at pinikit ang mga mata. Nagulat ako sa tanong niya. Mabuti na lang at hindi niya nakita ang reaksyon ko. Parang may kumalabog na kung ano sa dibdib ko. Ayaw kong mag-isip ng kung ano kaya iniling-iling ko ang ulo habang nakapikit. Pagdilat ng mata ko ay natagpuan kong nakatitig siya sa akin kaya lalong lumakas ang kalabog ng dibdib ko. Parang hindi man lang siya naapektuhan sa titigan namin samantalang ako ay hindi na makapag-isip ng mabuti. “Kumain na po,” magalang kong sagot. Pero parang wala itong narinig dahil sa sunod niya na sinabi. “We are going to eat outside, change your clothes,” sabi nito. “Tayo lang po?” tanong ko sa kaniya. Magda-date kami? Napatingin ito sa akin at umiling. “With Johnny and Jenny,” nakangiting sabi niya sa akin. Ngiting nakakaasar. Napatungo ako matapos niyang sabihin iyon. Ang assuming ko naman masyado para isiping inaaya niya akong kumain. Ramdam ko pa rin ang titig niya hanggang sa matapo at makalabas si Jenny sa banyo. “Morning, Daddy,” masayang bati ni Jenny sa Daddy niya. Tumayo naman si Sir kaya nagpakarga si Jenny. Hindi kabigatan si Jenny kaya minsan kapag kami lang din ang magkakasama ay nagapabuhat siya sa akin na agad ko namang ginagawa. Minsan kasi ‘pag may gusto si Jenny na hindi niya nakukuha ay buong araw ka niyang hindi papansinin at tahimik lang isang gilid. Walang sinasabi na kung ano kaya magugulat ka na lang. Ayaw ko namang kunsintihin ‘yung bata dahil gusto ko ring maging mabait siya habang lumaki pero kasi minsan maaawa ka naa lang sa kaniya. Umalis si Sir Jaenn pagkatapos kaya binihisan ko si Jenny ng panlakad na damit, pagkatapos ko siyang bihisan ay nagbihis na rin ako. Hindi naman ako natagalan sa pagbibihis kasi wala naman akong masyadong damit at mabibilang ang panlakad na damit ko. Naka-yellow shirt at jeans lang ako. Si Jenny naman ay naka-maong shorts at white shirt. Nakahiga siya sa kama ko habang hinihintay ako. Sinabihan ko naman siya kaninang pumunta muna siya sa Daddy niya o sa kapatid niya habang nagbibihis ako pero sabi niya ay hihintayin niya akong matapos para sabay na kami. “You should wear white shirt para matchy po tayo,” komento agad niya ng makalabas ako sa banyo. Bumaba siya sa kama at tumingin sa full length mirror na nasa gilid lang ng kama ko. Tumango ako sa kaniya at naghalungkat ng putting damit sa closet. Pumasok ulit ako sa banyo para magbihis. Hindi ko alam kung tumaba ba ako o ano, kasi sumikip na sa akin ang damit na ito. Bigay sa akin ng importanteng tao sa buhay ko noon ang damit na suot ko ngayon. Ilang taon na rin kaya masikip na at high school pa lang naman kami noong binigay niya sa akin ito. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na kami ng kwarto ko na saka rin namang paglabas nina Ate Tess at Johnny. Hindi raw makakasama si Ate Tess kasi may ibang pinagawa si Sir Jaenn sa kaniya. “Taray naman, parang pamilya na ang datingan ah,” sabi niya ng makita ang suot kong damit. Umiling na lang ako sa turan niya. Alam ko namang asar niya lang ‘yun. Ayaw ko ring magsalita kapag inaasar niya ako kasi lalong lalaki lang at sasabihan pa akong defensive. “Alis na kami, ingat kayo,” sabi ko sa kaniya ng makitang nakababa na rin si Sir Jaenn galing sa taas. Naka-black shirt ito kaya mas lalong dumagdag sa kagwapuhan niya. Ang hot tingnan kahit simple lang suot niya. ‘Di ko na narinig ang sinabi ni Ate Tess at nakatitig lang ako sa kagwapuhan niya. Hindi naman siya nakatingin sa amin kasi may kinakalikot pa siya sa phone niya kaya nagkaroon ako ng oras para matitigan siya. Mabilis ang pagtitipa niya sa kanyang cellphone na parang may kaaway o galit siya sa kausap niya. Tumataas din ang kilay niya pero imbes na punain ang galit niya ay kumalabog pa ang puso ko sa nakikita ko mas lalo pang dumoble iyon ng tumingin siya sa gawi namin. Mabilis akong napatingin kay Ate Tess kaya narinig ko ang mahinang pakanta-kanta niya. 'Di nagtagal ay nakalapit na sa amin si Mr. Jaenn. Mr. Jaenn ang hot pakinggan bagay sa kaniya. Napangiti na lang ako sa mga naiisip ko. “Let’s go?” Lumapit naman si Jenny sa kaniya kaya hinawakan ko na lang sa kamay si Johnny. Mabuti na lang at hindi nag-inarte kaya madali kaming nakalabas ng bahay. Sa unahan ako pina-upo ni Mr. Jaenn kaya maayos akong naka-upo sa unahan ng walang sinasabi. Pagkapasok ni Mr. Jaenn ay pinaandar na niya ang makina ng sasakyan. Napatingin ako sa kaniya ng kita kong nakatingin siya sa gawi ko. “You want me to do your seatbelt?” pagkatapos niyang tanungin ay agad akong nag-seatbelt baka mamaya siya ang gumawa. Rinig ko ang mahinang tawa nito bago kami umalis at noong oras ding iyon ay pilit kong pinapatahan ang kalabog ng puso ko na nagwawala na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD