Chapter 5: Garden

2000 Words
“Are you okay, Ate?” napatingin ako kay Jenny nang magsalita ito sa tabi ko. Kami lang dalawa ang nasa bahay kasi may pasok si Johnny kaya wala rin dito si Ate Tess at Kuya Gardo. Wala rin sina Manang Leng kasi may pupuntahang importante raw at nakapagpaalam naman daw siya kay Mr. Jaenn. Si Myca at Rena naman ay umalis din para mag-grocery. Gusto ko sanang sumama kaya lang matagal nagising si Jenny kaya naiwan kami. “Yes, Jen,” ngiting sabi ko sa kaniya. Halos dalawang linggo na rin simula noong lumabas kami at pinagtripan ako ni Johnny. Sabi ba naman sa Daddy niya huwag ako bigyan ng sahod hanggang hindi ako nagsasalita ng English. Marunong naman akong mag-English kaya lang umuurong talaga ‘pag nagsasalita na ako. Kaya ang nangyari daming pinapabasa na libro sa akin ng kambal at halos lahat ng pinapanood ko o namin ay English lang. Nasasanay naman ako kasi ‘yun ang palagi kong naririnig na language nila pero minsan nakakahiya lang magsalita. Gusto ko sanang sisihin si Mr. Jaenn sa pagpayag sa kagaguhan ni Johnny pero okay lang at least masasanay din ako. Hindi naman ako katalinuhan noong high school ako. Minsan nga ‘pag tinatawag ako ng mga teacher ay wala akong maisagot. Sa kamalas-malasan ba naman kasi sa mahihirap na sitwasyon pa ako tinatawag. “Do you know how to bake?” tanong niya sa akin. Kita ko rin ang pag-asa sa mga mata niya na sana ay marunong akong mag-bake. “I don’t know how to cook, Jen. We’re poor and can’t afford things like that,” sabi ko sa kaniya. Kita ko ang pagkadismaya sa mukha niya pero napalitan din agad ng saya dahil sa naisip niya. “Why don’t we call Daddy? Daddy knows how to bake!” excited niyang sabi at akmang bababa para kunin ang tablet niyang nasa mesa. “Your Daddy is busy,” sabi ko at pinigilan ko ang kamay niya. Tumingin lang siya sa akin na parang alam niya pero gusto niya pa ring gawin. “We’ll go to him right after the driver will come back okay?” dagdag ko. Ayaw ko namang istorbuhin si Mr. Jaenn para lang mag-bake kasi alam ko kung gaano siya ka-busy sa trabaho ‘pag ganitong oras. Tumango siya sa akin at bumalik sa paghiga sa kama niya. Nanonood siya ng cartoons at ako naman ay nagbabasa lang sa gilid niya. Mi-minsan din ay nagpapahinga ako at nanonood na lang din. Matatagalan pa sina Myca at Rena kasi madami pa raw bibilhin. May iniwan naman silang pagkain para initin ko na lang. Marunong naman ako magluto pero ayaw ko naman silang agawan ng trabaho kasi trabaho nila iyon at may trabaho rin ako. Alas tres na nang magising ako. Nakatulog kami parehas ni Jenny kakanood ng cartoons. Nang tingnan ko ang TV ay nakapatay na ito, hindi naman namin napatay ni Jenny ito kasi nakatulog kami kaya baka nakauwi na sila. Tumayo ako inayos muna si Jenny sa pagkahiga bago lumabas ng kwarto niya. Nauuhaw ako kanina pa kaya lang tinamad akong bumaba kaya ngayon parang nanunuyo na lalamunan ko. Paglabas ko ay ang tahimik ng bahay. Ganito palagi ‘pag ganitong oras. Tapos naman na kasi sa gawain ang mga kasambahay kaya ‘pag mga ganitong oras ay hindi mo na sila makikita kasi nagpapahinga na. Makikita mo lang sila kapag may iuutos ka. Nagmamadali akong bumaba halos matapilok pa ako sa hagdan kakamadali ko. Nang makarinig ako ng ingay galing sa kusina ay dumiretso na agad ako roon. Baka si Myca na naman. Mahilig si Myca magluto ng meryenda kaya sa labas pa lang ay naaamoy ko na agad ang bango ng niluluto niyang amoy masarap. Iba kasi sa pang-amoy ko, bago sa pang-amoy. Pagkarating ko sa kusina ay parang gusto kong bumalik sa taas pero huli na ang lahat dahil nakita na niya ako. Pagkadating ko pa lang kasi ay nilingon niya agad ako. Bwiset din kasi itong tsinelas na ito ang ingay pero kasi akala ko si Myca lang ang nagluluto. “Need anything?” tanong niya at ibinalik ang atensyon sa niluluto. Nakatalikod siya sa akin kaya napatitig ako sa kabuuan ng likod niya. Hindi siya nawawalan ng angas kahit na nakatalikod lang ito. May dating pa rin talaga kahit hindi mo nakikita ang mukha niya. Pinagmasdan ko kung paano siya gumalaw at ang mga braso niyang parang puputok kapag kumikilos siya. Kitang-kita rin ang mga nagsusumigaw niyang muscles at nagpapasiklabang ugat na litaw na litaw sa kamay niya. Hindi ako mahilig sa mga may abs kasi okay lang naman sa akin kahit anong pangangatawan basta mabuting tao pero ngayon parang nag-iba na ang gusto ko. Napatingin ako sa apron na suot niya na sobrang higpit sa katawan nito. Mabuti ka pa nakayakap sa kaniya. 'Gago ka Tine.' Sinampal ko muna ang sarili ko para bumalik sa reyalidad. Lumapit ako sa dispenser at kumuha ng baso. Nilingon niya ako kaya napatingin ako sa niluluto niya. Spaghetti iyon na kulay puti ibang-iba sa ordinaryong spaghetti. Mabilis kong pinindot ang blue na kulay at agad na umagos ang maginaw na tubig. Doon ako naka-focus baka kasi mapuno iyon nang hindi mamalayan. Nang mapuno iyon ay ininom ko kaagad. Saktong pagbaba ko ng baso sa pinggan ay natapos na rin siya. “Can you taste this?” sabi niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko na kailangang tumingin sa paligid dahil alam kong ako na ang sinabihan niya. Lalapit na sana ako pero nauna siyang lumapit sa akin dala ang niluto niya. Hahawakan ko na sana ng iniwas niya iyon. “Let me,” pagkasabi niya n’un ay pinabayaan ko siya sa gusto niya. ‘Di ko naman siya inutusan siya lang naman ang may gustong humawak kaya bahala siya. Nilapit niya sa bibig ko ang tinidor kaya wala akong nagawa at tinanggap na lang iyon. Masarap. Iyon agad ang pumasok sa isip ko ng malasahan iyon. Nakatitig lang siya sa akin na parang naghihintay ng sagot ko. Nilunok ko muna ang lahat bago siya binigyan ng isang thumbs up. Ayaw kong magsalita sa harap niya dahil ang lapit pa naman namin sa isa't isa at baka may tinga pa ako. Kumain kaming dalawa sa niluto niya. Walang imikan tanging banggaan ng tinidor at ng plato ang namayani sa buong kusina. Patingin-tingin siya sa akin. Alam ko kasi ramdam ko at nahuhuli ko rin siya minsan kapag sinusubukan kong magnakaw ng tingin sa kaniya. Pagkatapos ko ay tumayo agad ako. Walang pang ilang segundo ay tumayo na rin siya at lumapit sa akin sa may lababo. “Ako na po,” sabi ko ng makitang naghihintay siya sa akin na matapos. Hindi ito pumayag kaya hindi ko binigay sa kaniya ang sponge at hinawakan lang iyon sa kamay ko. “Fine,” tipid na sabi niya. Nilagay niya lababo ang kaniyang pinagkainan. Mabilis lang naman ito. Nasa gilid ko pa rin siya hanggang sa matapos ako. Ilang beses din siyang bumuntong hinga na parang may sasabihin pero hindi niya masabi. “Akyat na po ako,” paalam ko sa kaniya pero parang wala siyang narinig dahil nakatitig lang ito kung nasaan ang mga hinugasan kong pinggan. Wala sana akong balak magpaalam pero nakakahiya namang iwan ko na lang siya basta rito at nakakawalang respeto rin dahil amo ko siya. “Akyat na po ako,” ulit ko. Saka pa lang ito natauhan at tumingin sa akin. Walang expression ang mukha niya pero parang nangungusap ang mga mata niya sa akin. Hindi ko kayang makipaglaban ng titigan sa kaniya baka kung saan na naman kami mapunta. ‘Pag siya na ang tumitingin sa akin parang nawawala ang pagiging delikadisa ko. Nagiging kaladkarin na lang ako. Ayaw ko mang aminin pero iba talaga ang epekto ng mga titig niya sa akin. Umakyat ako ng hindi ako nakakuha ng sagot mula sa kaniya. Saka ko pa lang din naramdaman ang paghinga ko. ‘Di ko na namalayang pinipigilan ko na pala ang hininga ko. Nagkibit balikat ako at iniiling-iling ang ulo. ‘Bawal kang mahulog sa kaniya’ paalala ko sa sarili kahit ‘di ko alam kung hanggang saan ang tatag ng paniniwala at pag-asa ko. ‘Di nagtagal ay nagising na si Jenny kaya bumaba kami pagkatapos kong ayusin ang kama niya. Lakad takbo ang ginawa niya ng malamang nasa baba ang Daddy niya. “Daddy!” sigaw ni Jenny nang makita ang ama na nakahilig sa sofa. Binuksan niya ang TV pero hindi naman siya nanonood dahil nakapikit ang mga mata niya ng madatnan namin ni Jenny. Agad niyang niyakap si Jenny. ‘Di ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa kanila. ‘Di rin mapigilang mangarap na sana maging ganito ka-sweet ang mag-ama ko kung magkakapamilya na ako. Gusto kong magkaroon ng pamilya at ‘yung simpleng pamumuhay lang. Ilang minuto ko siguro silang tinitingnan bago naisip na maupo sa katapat na upuan. Napapailing na lang ako sa ingay ng dalawa. Pilit kong iniintindi ang pinapanood pero ‘di ko maintindihan sa ingay ng dalawa kaya tumayo na lang ako. Pupunta na lang akong garden. May garden ang bahay na ito. Minsan nga lang kami makakapunta doon kasi busy at ayaw rin ni Manang Leng na parati kaming nandoon baka raw mapano ang mga halaman. Si Manang ang nag-aalaga sa garden kaya gan’un siya makapagbawal sa amin. “Where are you going?” tanong ni Mr. Jaenn nang makita akong tumayo. Natigil din si Jenny sa pagtawa at naupo sa hita ng Daddy niya. Nakatingin din ito sa akin na parang naghihintay ng sagot ko katulad ng ama niya. “Garden,” tipid na sabi ko. Kita ko kung paano lumaki ang mga mata ni Jenny. Kumapit ito sa leeg ng ama bago nagsalita. “Let’s go there, Daddy!” excited na sabi niya. Nagsisi agad ako sa sinabi ko. Baka mamaya pagalitan kami ni Manang. Kahit naman si Manang ang nag-aalaga ay nirerespeto ni Mr. Jaenn iyon dahil siguro sa tagal na ni Manang na naninilbihan kay Sir. Rinig ko ay simula pa raw noong bata pa si Mr. Jaenn kaya lahat nirerespeto ni Sir pagdating sa mga personal space raw ni Manang. “We’ll go there but always behave yourself, Manang might scold you,” paalala niya sa bata. Kita ko ang pagtango ni Jenny kaya nauna na akong naglakad papuntang garden. Napangiti ako sa nakitang ganda ng garden. Pangalawang punta ko pa lang rito. Nasa likod na parte kasi ito ng bahay kaya ‘di mo agad makikita. Tanging makikita mo lang ay ang mga nagtataasang puno na nasa gilid. Dalawa iyon at iyon ang dumagdag sa ganda ng garden. Ang lawak din kasi ng natatakpan na lugar ng puno dahil sa labong nito. Siguro hanggang first floor lang ng bahay ang kasing-tangkad ng puno pero ang ganda tingnan kasi sa malalabong nitong dahon. Naupo ako sa lupa habang hinihintay ang dalawa. Sabi ni Ate Tess ay di raw pinalagyan ng upuan ang garden kasi ayaw daw ni Manang na maraming magtagal sa garden pero mas gusto ko ang ganito kasi mararamdaman mo talaga ang ganda at ang biyayang hatid ng kalikasan. Naupo sa tabi ko si Mr. Jaenn kaya napatingin ako sa kaniya pero parang wala lang sa kaniya iyon. Nasa tabi niya rin si Jenny na panay kuha ng litrato sa mga bulaklak. Kaya siguro natagalan sila para kunin ang Ipad ni Jenny. Nakatingin ako kay Jenny kaya ‘di ko rin maiwasang matingnan si Mr. Jaenn. Ang tangos ng ilong niya at ang haba ng pilik mata niya. Napangiti ako sa nakikita ko. ‘Pag talaga gwapo ka, gwapo ka. Parang sinalo na niya lahat ng biyaya ng itaas. Siguro naramdaman niya ang mahinang buntong hinga ko habang nakatingin sa kaniya kaya napatingin ito sa akin. Hindi mo makikitaan ng pagkagulat sa mata niya. Tumaas lang ang kilay nito sa akin. Umiling ako at binalik ang tingin sa mga halaman bago ko narinig ang mahinang tawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD