“Nag-enjoy ka naman masyado,” pang-aasar ni Ate Tess. Kararating lang nila at iyon agad ang paulit-ulit niyang sinasabi dahil sa nadatnan niya. Pilit ko lang ‘yung tinatawanan na parang wala lang sa akin. Nagluluto na rin sina Myca at Rena. Dinig ko ang kadaldalan ni Myca, kung saan-saan na napadpad ang mga kwento niya, hindi ko nga alam kung nakikinig ba si Rena sa mga kwento niya. Lumingon sa gawi namin si Rena kaya ngumiti ako sa kaniya, tipid na ngiti rin ang natanggap ko galing sa kaniya. “Baka marinig ka talaga nila,” mahinang bulong ko sa kaniya. Nasa sala lang si Mr. Jaenn at ang mga bata. Pinakain ni Mr. Jaenn ang mga bata ng luto niya kaya nasa kusina lang kami para tingnan sina Myca at Rena. “E ‘di mabuti!” malakas na sabi niya na siyang dahilan kung bakit napatingin si Mr. J

