Chapter 7: Ikaw Na Talaga

1682 Words

"Ano inday? Bakit parang ang layo niyo na sa isa't isa?" Si Ate Tess talaga ang unang nakapansin. May pupuntahan na naman daw kami ngayon. Sabi ni Ate Tess ay ipapasyal ni Mr. Jaenn ang mga bata dahil wala namang klase ngayon kasi Sabado at wala rin daw homework si Johnny. "Ate Tess, si Johnny," pag-ibaba ko ng usapan. Tinuro ko si Johnny na ayaw tumayo sa inuupuan niya. Tapos ng maligo si Jenny. Ako ang naghanda ng mga susuotin niya. Ang sabi ay pupuntahan daw namin ang bagong bili na lupa ni Mr. Jaenn. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang bumili ng bagong tirahan kung meron naman dito. Malaki naman ang bahay niya. "Nakalusot ka sa akin ngayon pero nako, sinasabi ko sa'yo. Mamaya hindi kita tatantanan." Umalis na ito. Umupo ako sa sofa na inuupuan ni Jenny. Busy ito kalalaro. "Ate

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD