Hindi na niya nasagot ang tanong ko dahil sa pumasok si Lovely. Nagpaalam din siya may meeting pa raw kaya tumango na lang ako. Ilang oras na ang nakalipas at wala pa rin si Mr. Jaenn. Lumabas pa ako sa opisina niya at tiningnan ang cubicle ni Lovely pero wala pa rin siya rito. Madilim na ang paligid. Si Jenny ay nalibang sa pinapanood. Ako na walang ginagawa ay sa labas lang nakatingin. Ang ganda na ng tanawin dahil sa gabi na. Dumagdag pa ang liwanag sa bawat building na nakikita ko. Masyadong traffic, hindi na nakakausad ang ibang sasakyan. Tumingin ulit ako sa pinto pero para pa ring Mr. Jaenn ang nagpakita. Ilang minuto akong nakatingin sa labas ng biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang driver, “Uuwi na raw po tayo, matatagalan pa si Sir,” sabi nito sa amin. Tumayo naman si Jenny

