“Daddy? Ate?” Agad akong napatayo nang marinig ang boses ni Jenny. Kinukusot niya pa ang mga mata niya tila hinahanap pa kami. Mabilis kong inayos ang damit. Parang walang pake si Mr. Jaenn kahit na makita pa siya ng anak niya dahil hindi man lang siya nagulat. Lumabas kami para kumain. Tipid na ngiti lang ang binigay ko sa secretary ni Mr. Jaenn. Napag-alaman kong Lovely pala ang name niya. Tahimik lang ako habang nag-oorder sila ng pagkain. Tinanong na ako ni Mr. Jaenn kanina pero siya na lang ang pinapili ko kasi wala naman akong alam sa mga pagkain ng mayayaman. Maraming kumakain dito karamihan ay magpapamilya. Hindi ko alam kung sinadya ba talaga ni Mr. Jaenn na rito kami dalhin. Malayong-malayo ang pananamit ko sa kanila. Simple lang ang suot ko kaya napapayuko na lang ako haba

