Hindi ako makatingin sa babae at gan'un din siya sa amin. Si Mr. Jaenn naman ay igting ang panga sa kaka-type sa phone niya. Mukhang kanina niya pa kinukulit si Hariot. Naghintay lang ako na matapos ang lahat dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ang tagal ng Hariot na 'yun. Kasalanan niya 'to dahil sinabi niya sa aming walang tao rito. "Fvck!" inis na bitaw ng salita ni Mr. Jaenn. Kita kong nagulat ang babae maging ako rin. Nasa malayong gilid ko ang babae habang katabi ko naman si Mr. Jaenn. "I'm going to kill that fvcker," bulong nito sa tenga ko. Kanina pa siya salita ng salita tungkol kay Hariot. Hindi ko naman siya pinapansin minsan kasi mas inuuna kong isipin ang babae. Okay lang naman siguro na nakita niya akong nakahubad? Babae naman siya. Mabuti na lang at hindi pa nak

