"You just can't go out like that, Jaenn. Isipin mo ang kompanya mo. Kaya kita kinuhanan ng sekretarya para naman makapagtrabaho ka kahit ayaw mong pumasok sa opisina mo." Umagang-umaga iyan ang bungad ng ina ni Mr. Jaenn sa amin. Si Mr. Jaenn ang nagbukas ng pinto dahil sa ingay nito. Samantalang ako ay nagising lang din sa lakas ng kalabog ng pinto. "Wala kang nagagawang matino dahil sa babaeng iyan!" sigaw sabay turo sa akin. Kita ko ang paghinga ng malalim ni Mr. Jaenn habang nakatingin sa ina. "Mom please, I don't want to hurt you in any ways. Please don't test my temper," malumanay na sabi ni Mr. Jaenn. Mapupungay ang mata niyang nakatingin sa ina niya dahil kagigising lang niya. Kita ko ang pag-awang ng labi ng ina niya habang nakatingin sa anak. "Makakaya mo na akong saktan? Gan

