SINUOT ko muli ang facemask bago ako muling bumalik sa hapag-kainan. Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa matapos kami sa pagkain. "Grabe ang sarap ng luto mo, Sab!" Sabi niyang napahaplos sa tyan niya. Busog na busog siya dahil marami siyang nakain at natuwa naman ako. Kung alam lang niya na ako si Ellen na kinababaliwan niya ay baka mas lalo pa siyang matuwa at mabaliw sa akin. But no! Of course hindi siya matutuwa. Sa estado ko pa lang ay siguradong hindi na niya ikatutuwa. Niloko ko siya kaya siguradong sa kangkungan talaga niya ako ibabagsak. "Thank you po! May karinderya po kasi kami dati ng Nanay ko kaya magaling talaga ako magluto." "Really! Kaya pala masarap ang luto mo. Alam mo bihira na lang ako makakain ng lutong bahay dahil madalas restaurant or fastfood ang food ko. Us

