FEELING ko ay namula ang pisngi ko matapos namin mag shakehands ni Sir Cohen. Nahawakan ko na ang kamay niya sa tuwing si Ellen ako pero iba ang feeling ko ngayon. Pakiramdam ko ay ilang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa sistema ko nang mahawakan ang kamay niya. Agad siyang bumaling sa harapan nang umandar na ang mga sasakyan. Hindi na siya nagsalita kaya napakatahimik sa loob ng kotse at bigla akong nailang. Naisipan ko na lang na kausapin pa siya. "Sir, diba po masama pa pakiramdam niyo? Dapat po nagpapahinga na lang kayo ngayon!" "No, I'm okay now. Ang galing ng nurse ko eh!" Tumingin siya sa akin at ngumiti. Hindi ko sure kung ako ba ang tinutukoy niya pero wala naman kaming ibang kasama sa hotel kanina. Medyo kinilig tuloy ako na ako ang tinutukoy niya. "May importante rin akong

