Chapter 14

1327 Words

Sumama ako kay Clyde manood ng sine sa mall. Wala si Abel sa labas ng classroom pag labas namin. Nakita ko sa mga post ng teammate niya na meron silang practice. Habang nasa kotse kami ni Clyde nagpicture kami at pinost ko yun sa myday nilagyan ko ng caption na 'otw to cinema'. Viniew agad yun ni Abel. Parang hinihintay niya talaga yung update ko. Ilang beses niya ko sinabihan na huwag makipagdate kay Clyde pero ginawa ko pa rin. Gusto ko kasi siyang asarin. Nag live siya sa f*******:. Pinanood ko yun. Sa umpisa nakaupo siya habang vinivideo niyang naglalaro yung ibang players. Maya maya finocus niya sa mukha niya, nagpapacute siya panay ang smile niya at hagod ng buhok, kinakagat kagat pa niya yung lower lip niya. May suot siyang headband na trademark na niya sa tuwing nagbabasketball.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD