"Arraaay." Daing ko ng madulas ako sa CR. "What happened?" Agad na pumasok si Abel sa CR ng marinig yung kalabog ko. "Ano ba ginagawa mo?" Tanong pa niya. "May naapakan akong madulas eh. Tignan mo!" Pinakita ko sa kanya yung paa ko. Tinitigan niya yun. Maya maya tumawa siya. "May tumalsik??" sambit niya. "Sorry!" "Tumalsik?" Nagtataka kong tanong. Binuhat niya ko dahil hindi ko maigalaw yung paa ko. Mukhang na-sprain yung ankle ko. Inupo niya ko sa couch. Kumuha si Abel ng tissue at pinunasan yung paa ko. Panay ang tawa niya. "I didn't expect na magpupunas ako ng ganito sa paa. Madalas sa tyan at likod eh." "Ano ba kasi yan?" Tanong ko. "Ahhh liquid soap." "Bakit mo kinalat sa CR." Nainis kong sabi sa kanya. "Ayaw mo kasi eh." Ngumisi siya. Minasahe niya yung paa ko. "Kung pum

