Third Person POV Habang naglalakad pauwi si Kanielle galing sa school, dala ang mabigat na bag at ang mas mabigat pang problema sa puso, napahinto siya nang may mapansing pamilyar na kotse na naka-park sa gilid ng kalsada. Black Bugatti. Malinis, kumikintab, at parang sumisigaw ng “may-ari ako ng buong kalye.” At doon, nakasandal si Nathan. Naka-itim itong long sleeves, nakatupi ang manggas hanggang siko. Nakapamulsa, at ang mga mata malamig, parang hindi kilala kung sino man ang lalapit. Nag-ipon si Kanielle ng lakas ng loob. Nilapitan niya ito, huminto sa harap niya. “Mr. Chinito,” tawag niya, medyo nanginginig pero matapang ang tono. “Kayo po ba ang bumili ng lupa ng school?” Dahan-dahang ibinaling ni Nathan ang tingin sa kanya. Walang emosyon. Walang ngiti. Walang kahit ano. Para

