NATHAN POV Shit. Ano ’tong nararamdaman ko? Kaninang umaga pa hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung dahil ba sa init ng ulo ko kagabi o dahil sa mga bagay na ayaw ko namang isipin pero pilit bumabalik. Tapos ngayon, eto pa. Tumunog ang cellphone ko. Nakita ko agad ang pangalan Dad. Napairap ako. Gusto kong huwag sagutin, pero kilala ko siya. Mas lalo lang lalaki ang gulo kung hindi ko ito sasagutin. Pinindot ko ang green button. “Hello?” malamig kong bati. “Bumalik ka bukas sa mansion,” diretso niyang sabi, walang pasakalye. “May kailangan kang kunin.” Napakunot ang noo ko. “What now?” “Contract. Sa atin na yung school.” Napatingala ako bigla. Para akong nasampal ng malakas. “What the hell do you mean, Dad?!” halos pasigaw kong tanong. “Bibilhin na namin ng mommy mo yung paaralan

