KANIELLE POV Pagkatapos ng klase, unti-unti nang naglabasan ang mga bata, may halong ingay ng maliliit na yabag at tawanan. Ang ilan sa kanila nag-paalam pa ng mahigpit na yakap, yung iba naman ay kumakaway at sumisigaw ng, “Bye teacher Elle! Bye Mister Nathan Yu!” habang tumatakbo papalabas. Doon ko naramdaman ang init ng hapon, parang sumabay ang sikat ng araw sa kasiglahan ng mga batang nakangiti. Nang masigurado kong wala nang estudyanteng naiwan, dahan-dahan kong sinara ang pintuan. Nilingon ko siya si Nathan na tahimik lang na nakaupo sa gilid, parang malalim ang iniisip habang nakatitig sa akin. Ang mga mata niya, singkit at parang nangungusap, at ramdam kong hindi siya nandito para sa simpleng pagbisita lang. Huminga ako nang malalim at nilakasan ang loob. Diretso ang tingin ko

