Chapter 30

1657 Words

THIRD PERSON POV Sa isang maliit na karinderia sa tabi ng kalsada, abala pa ring kumakain sina Nathan at Elle. Sa bawat palitan nila ng salita, sa bawat tawa at biro, mas lalong lumalalim ang koneksyon nilang dalawa. Hindi nila napapansin na may mga matang nakamasid sa kanila mga taong mahilig mag-imbestiga at magkwento ng buhay ng iba. “Si Teacher Elle ba ‘yon?” bulong ng isang babaeng kumakain din doon, sabay turo sa mesa nina Nathan. “Oo nga! At sino ‘yong kasama niyang lalaki? Hindi ba doktor ang boyfriend niya?” sagot ng isa, halatang tuwang-tuwa sa bagong tsismis. Hindi na nila napigilan. Nang matapos kumain sina Elle at Nathan at umalis, agad may isang chismosa na naglabas ng cellphone at nag-dial ng numero. At sa hindi inaasahan, ang tinawagan ay isa sa mga kakilala ni Lucas.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD