THIRD PERSON POV Sa isang malawak at marangyang silid-kainan ng Yu Mansion, malamig ang hangin mula sa air conditioner, pero mas malamig ang mga titig na ibinabato ngayon nina Mrs. Yu at Mr. Yu kay Nathan. Nakaupo sila sa magkabilang dulo ng mahabang dining table, habang si Nathan ay nasa gitna, hawak ang isang baso ng tubig na hindi man lang niya iniinom. “Nathan Yu,” unang binitawan ng kanyang ama, mababa at matalim ang boses, “ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na ayusin mo ang trabaho mo? We trusted you with the school property acquisition, pero hanggang ngayon wala ka pa ring resulta.” Napapikit si Nathan at pinisil ang tulay ng ilong. “I’m handling it, Dad.” “Handling?” singit agad ni Mrs. Yu, ang kanyang ina, na kilalang walang pasensya pagdating sa negosyo. “It’s been weeks. A

