Third Person POV Tahimik ang paligid nang bumaba si Lucas mula sa kwarto ni Elle. Halos ayaw pa niyang umalis, pero kailangan na rin niya dahil may duty pa siya kinabukasan sa ospital. Ang totoo, kahit gaano siya kapagod sa trabaho, parang nabubura lahat kapag kasama niya si Elle. Nasa sala na sila ngayon, parehong nakaupo sa sofa. Nakatingin si Lucas kay Elle na nakasandal, hawak ang isang unan, at nakayuko. Halatang hindi rin ito sanay na magpapaalam siya ng ganito kaaga. “Elle…” mahinahong simula ni Lucas. “Uuwi na ako.” Napaangat ng tingin si Elle, diretso sa mga mata ng binata. Hindi niya maitago ang lungkot. “Ganun na lang ba? Biglaan?” Napakamot si Lucas sa batok at ngumiti ng bahagya. “Hindi naman biglaan… matagal na akong dapat umuwi. Pero… alam mo namang gusto kong sulitin a

