NAKAHINTO ang kotseng sinasakyan nina Julliana at Benjamin sa harap ng isang elementary school kung saan ito kukuha ng nursing licensure exam. Maaga pa kaya hindi pa ito bumaba ng sasakyan niya. “Benj, paano ku—” Masuyong hinagkan niya ang mga labi nito para hindi na nito maituloy ang anumang sasabihin. Ayaw niyang makarinig ng kahit anong negatibong bagay mula rito. He believed in her. She could do it. Hindi nito maaaring pagdudahan ang sarili nito. “Kaya mo `to. Makakapasa ka, okay? Don’t think otherwise. Stay focused. I believe in you.” Gumuhit ang distress sa mukha nito. “Eh, paano nga kung hindi? Alam mo naman na hindi ako gaanong matalino.” Napapalatak na kinabig niya ito at hinagod niya ang likod nito. She was too tense. Nang nagdaang araw pa ito hindi mapakali. “Relax. Kung ga

