20

1945 Words

PAGPASOK ni Julliana sa kanyang silid ay nadatnan niya si Benjamin na nakaupo sa kama at may binabasa na kung anong makapal na libro. Nang marinig nito ang pagpasok niya ay kaagad nitong ibinaba ang libro at nginitian siya. Gumanti siya ng ngiti at nilapitan niya ito. Inalis muna niya ang salamin nito sa mga mata bago niya dinampian ng halik ang mga labi nito. His arms encircled her, then he pulled her down. Natatawang nagpahila siya. Nakasuot ito ng puting T-shirt at boxer shorts. Ang ibig sabihin ay doon ito matutulog sa bahay. “Let me clean up first,” aniya nang akmang hahagkan siya nito. “Hurry,” sabi nito. Niluwagan na nito ang pagkakayakap sa kanya. Tumayo na siya at nagtungo sa banyo. Mabilis na naligo siya at pagkatapos ay agad niyang binalikan si Benjamin. “Sina Mama at Tito Al

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD