“YOU CALL that art?” Nilingon ni Julliana si Pablo na basta na lang pumasok sa art room na kinaroroonan niya. Siya na lamang ang tao roon dahil nais niyang tapusin ang ipinipinta niya. Halos wala nang tao sa eskuwelahan dahil gabi na. Hindi naman kailangang matapos agad niya iyon pero hindi niya mapigilan ang kanyang mga kamay sa pagguhit. “Sulpot ka nang sulpot na parang multo,” nasusuyang sabi niya rito. Ibinalik niya ang buong atensiyon niya sa ginagawa. Mula nang mag-aral siya sa art school na iyon ay napapadalas na ang pagkikita nila ni Pablo. Minsan ay sinasamahan siya nito na mananghalian kahit hindi niya ito nais na makasama. Naiinis pa rin siya rito pero habang lumilipas ang mga araw ay lalo siyang bumibilib sa talento nito. Tuwing nakikita siya nito, palagi na lang itong may n

