Prologue
Ilang oras na akong matiyagang naghihintay sa tapat ng mataas na gate ng mansyon ng mga Castellano. Balewala sa akin ang init na dulot ng mataas na sikat ng araw at namimitig na mga binti. Ang nais ko lang ay makausap si Max. Gusto kong magpaliwanag sa kaniya kahit pa nga maging ako ay hindi alam kung paano ‘yon sisimulan. Ang isip ko ay gulong-gulo. Gusto kong umiyak ngunit naubos na yata ang aking luha.
Max, paanong sa isang iglap ay handa mo na akong talikuran?
Sinulyapan ko ang dalawang lalaking nakabantay sa gate. Kanina pa ako nakikiusap sa kanila, nagtatanong kung naroon ba si Max ngunit wala akong makuhang sagot. Malinaw na wala silang balak na suwayin ang utos ng mga amo. Nanlulumong naupo ako sa isang tabi. Masakit sa ulo ang singaw ng init buhat sementadong kalsada at hindi rin sapat ang lilim ng maliit na puno sa tabi ko para harangan ang sikat ng araw na sumusunog sa aking balat. Gayunpaman ay handa akong magtiis. Kailangan kong makausap si Max. Makailang beses ko na siyang tinawagan sa numero pero hindi ko na siya ma-contact. Simula pa noong isang araw ay hindi na siya umuwi sa condo unit na aming tinutuloyan, at unti-unti ay sumisibol sa puso ko ang takot sa sitwasyon namin ngayon.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata. Mahal ko si Max at hindi ko alam kung paano tatanggapin ang sinabi niya noong isang araw na umalis na ako. Galit siya at hindi na niya pinakinggan ang paliwanag ko. Hindi ko magagawa ang ibinibintang nila sa akin.
Max…paniwalaan mo sana ako.. bulong ko habang naghihintay.
“Where is she? Umalis na ba?” Napatuwid ako ng upo pagkarinig sa boses ni Tita—Madam Lucia Castellano—ang Mommy ni Max. She is not the person I wanted to speak with, but I hurriedly stood up and faced her out of desperation. Nang nasa harap na niya ako ay gusto kong manliit sa klase ng tingin na ipinukol niya sa akin. She didn't try to hide the disgust that was in her eyes. Ramdam ko ang matalas niyang tingin sa kabila ng gate na nakapagitan sa amin.
“M-Madam, si M-Max—”
“Leave,” maagang putol niya sa sasabihin ko. Hindi kababakasan ng awa maging ang boses niya. “He doesn't want to talk to you.”
“P-Pero Maam…nangako siya. Sabi niya ay mahal niya ako,” umiiyak na sambit ko. Desperada na ako at wala na akong pakialam kung ano ang iisipin niya sa akin. Pakiramdam ko ay may nakadagan sa aking dibdib at kaybigat niyon. Kaysakit na natitiis ako ni Max na maghintay dito. Sa isang iglap ay hindi ko na siya maabot. Narinig ko ang pagdating ng sasakyan at tumigil iyon sa tapat ko. Nakilala ko agad ang gray pick-up truck ni Max. Umibis buhat doon ang driver niya kasunod ay si Harold na assistant niya. Nanlalaki ang mga mata ko nang ibaba nila buhat sa sasakyan ang mga bag at iniabot sa akin iyon. Nangilid muli ang mga luha ko nang makilala ang mga gamit ko.
“Sir Max instructed us to hand it over to you. You are no longer allowed in his condo unit,” seryosong sagot ni Harold sa nagtatanong kong mga mata. Iniwasan din niyang salubongin ang tingin ko.
Pinapaalis na ako ni Max? A sharp pain pierced my heart. The agony spread from my heart to every inch of my body. Namalayan ko na lang ang sarili na nakaupo na sa mainit na kongkreto habang umiiyak. Noon lumabas si Madam Lucia buhat sa gate at may iabot sa akin na matigas na papel.
“Please don’t make a scene! Accept this,” seryoso niyang turan at may bahid ng pagmamadali ang boses.
Maang na tiningnan ko ang papel at nangilalas ako pagkakitang tseke iyon na may nakasulat na malaking halaga. Umiling ako at hindi iyon tinanggap.
“H-Hindi po ‘yan ang gusto ko. S-Si Max po ang gusto kong makausap,” pakiusap ko sa nanginginig na boses. Ang mainit na semento ay pumapaso sa aking palad na nakatukod diyon ngunit hindi ko ‘yon alintana.
“Whether you accept it or not, my son will not change his mind. He still refuses to talk to you,” sagot niya. “Mas mainam na iyong may pera ka sa pag-alis mo,” bulong niya. Her voice softened. Gusto kong paniwalaan na nag-aalala siya sa akin ngunit alam kong malabo ‘yon. Alam kong hindi niya ako gusto para sa anak.
Habang nakatingin sa ginang ay naalala ko si Tatay na hinihintay ako kahapon pa. Nauubusan na siya ng oras. Kahit napakasakit sa akin, ipinagpaliban ko ang umuwi para lang habulin si Max dito. Aaminin kong kailangan ko din ng pera para kay Tatay…
“Come on! Accept this,” muling untag sa akin ni Madam Lucia. Muli akong nalito. I gulped down some air. Sa nanginginig na mga kamay ay inabot ko ang tseke. Nakita ko kung paanong lalong nabalot ng pagkadismaya ang mukha niya.
“You sleazy gold digger!” gigil na bulong niya. Lalo akong nakadama ng panliit sa sarili dahil doon.
Bigla, naramdaman kong may nakamasid sa akin bukod kay Harold at sa driver na kasama niya. Nang mag-angat ako ng tingin ay nabitin ang aking paghinga. Naroon si Max sa loob ng pick-up truck at nakamasid sa akin. His intense stare moved from my face to the check in my hand. Then the darkness in his eyes deepens. I knew then that it was over. It was over between us.